Maraming mababait na mga tao, ay nakakita sa sakit na dulot nang kahirapan, kadalasan kung mayrong sakuna, dulot nang kalamidad, gawa nang kalikasan at nang tao. Ang mga mababait na mga tao ay gumawa nang mga hakbang pagpapatupad nang mga gawain paglikha nang kita para sa mga biktima. Ang ilan ay magbibigay nang gamit panahi at ang iba ay pagkain. Ngunit ang kadalasan mangyayari sa ganitong pamamaraan, ang pagpahina nang kahirapan ay hindi maasahan pagkatapos nang pagbigay nang tulong.
Ang ating pananaw, ay ang pagtulong nang mga mahihirap, at hindi ang paggawa sa kanila na laging umaasa sa libring tulong (at sila ay manatiling maghihirap), at upang gawin silang matatag at mabuhay at lumaki na walang tinatanggap na tulong galing sa labas.
Sa mga babasahin sa pagsasanay sa dakong ito, ang buong paksa ay tungkol sa pagbibigay kakayahan, na ang tao ay di binigyan nang libreng tulong (na nagsasanay sa kanila upang hindi umaasa sa mga bigay), at upang sila ay itulak sa pagiging mas malakas at maging maasahan at hindi umaasa sa mga libring tulong.
Mayrong tulong na walang bayad. Tulad nang mga regalo, kahit maganda ang sadya, ay nagtulak parin sa mga tao upang umaasa, maghihintay at laging umaasa sa iba pang darating na regalo. (Tingnan ang"Pagiging Maasahin"). Ang ibang regalo para sa mga mahihirap ay nakakatulong sa kanila upang sila ay di na manatili sa kahirapan. Ito ang nais nating mangyayari at tulungan.
At, di natin ayaw ang libring tulong lalo na sa mga di inaasahang pangangailangan tulad nang sakuna. May mga pagkakataon na ang mga biktima ay walang magawa, mga pangyayaring tulad nang lindol, kaguluhan, baha, digmaan, bagyo, pagsabog (bomba), at pagbagsak nang eroplano. Sa mga pangyayaring yan, tayo ay may pananagutan na bigyan sila nang pagkain, matutulugan, gamot, at ibang tulong, at pagwala ang mga ito sila ay di mabuhay.
Ngunit minsan, may mga pagkakataon na ang pagbigay nang libring tulong ay naging pabigat na, sa halip na makatulong sa mga biktima upang mabuhay nang kanilang mga sarili, ay mas lalo lang nitong pinapatuloy ang kahirapan. Ang pagkilala sa kaibhan sa dalawang gawain ay hindi madali, at ang paglipat nang pamamaraan sa pagbigay nang libring tulong patungo sa maaasahang pamamaraan, ay hindi madaling gawin.
Binasi sa paniniwala nang pagbibigay nang kakayahan, ang pamamaraan sa pagpahina nang kahirapan sa dakong ito ay nagtutulak nang paglikha nang halagang dagdag (kayamanan), ang paggamit nang tulong na may bayad sa pagpahina nang kahirapan, at ang paggamit nang pautang na ang halaga nang tubo ay ayon sa pangkasalukuyang anyo, at hindi libre.
Ang maaring ibinigay lang na libre ay ang pagsasanay sa pagbuo at pamamahala para sa mga tao sa paggamit nang utang upang lumikha nang tunay na dagdag na halaga upang magkaroon nang kita.